Matthew Wright aalis na sa PBA
MANILA, Philippines — Ginawa na ni Matthew Wright ang kanyang final game para sa Phoenix.
Nakatakda siyang bumiyahe patungong Amerika kagabi para sa kanyang kasal kasabay ng pag-iisip ng mga opsyon.
Matatapos na kasi ang kontrata ni Wright sa susunod na buwan at tila nag-iisip siyang maglaro sa ibang liga kagaya sa Japan o Korea.
“I don’t want to say final. That’s such a final word. I don’t want to close the door on anything,” sabi ng Fil-Canadian guard na hinugot ng Fuel Masters sa special draft noong 2016.
Noong offseason ay nagparamdam na ng interes si Wright na maglaro sa Japan B.League kung saan tumatayong imports sina Kiefer at Thirdy Ravena, Bobby Ray Parks, Jr. at Kobe Paras.
“Whatever it is that he’s gonna do after this is something that we’ve agreed upon,” sabi ni Phoenix head coach Topex Robinson kay Wright.
Nagtala ang two-time All-Star at miyembro ng 2020 PBA First Mythical Team ng mga averages na 15.0 points, 5.9 assists at 5.1 rebounds per game para sa Fuel Masters sa 2022 PBA Philippne Cup.
Sa 89-66 paggupo ng Phoenix sa Converge noong Sabado ay nagtala si Wright ng 15 points, 8 rebounds at 4 assists.
Itinaas ng Fuel Masters ang kanilang baraha sa 3-7 para tapusin ang five-game losing skid.
- Latest