MANILA, Philippines — Sinapawan ni Fil-Japanese Junna Tsukii si Yorgelis Salazar ng Venezuela, 2-0, sa women’s kumite -50 kilograms finals para sa unang gold medal ng Pilipinas sa 2022 World Games sa Birmingham, Alabama.
Umabante ang 30-anyos na national karateka sa finals nang sumipa ng 4-3 panalo kay Miho Miyahara ng Japan sa semifinals.
Walang umasang makakapasok sa finals si Tsukii matapos magtala ng 1-2 win-loss record sa group stage kasama ang 1-8 kabiguan kay Salazar.
Si Tsukii ang ikalawang Pinoy athlete na nanalo ng ginto sa World Games matapos si billiards champion Carlo Biado na naghari sa 9-ball men’s singles noong 2017 edition sa Wroclaw, Poland.