^

PSN Palaro

Magnolia preparado sa TNT sa Linggo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Magnolia preparado sa TNT sa Linggo
Chito Victolero.
PBA.PH

MANILA, Philippines — Kuntento na si coach Chito Victolero sa kanilang ginawang preparasyon para sa pagbubukas ng PBA Philippine Cup sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Makakatapat ng Hotshots ang nagdedepensang TNT Tropang Giga para sa kanilang finals rematch.

“Ako satisfied naman sa overall preparations namin. I think nagawa naman namin ang mga gusto naming gawin,” wika ng one-time Coach of the Year awardee na si Victolero.

Sumalang ang Magnolia sa tatlong tune-up games para paghandaan ang All-Filipino conference na pinagharian ng TNT sa nakaraang PBA Season.

“Naka-tatlong tuneup kami and okay naman ang itinatakbo,” sabi ni Victolero. “Fine-tuning na lang and right now nandoon na kami, preparation for the game on Sunday.”

Minalas ang Hotshots sa semifinals ng PBA Go­vernors’ Cup nang magkaroon ng injury si import Mike Harris na sinamantala ng Meralco Bolts para umabante sa Finals katapat ang Ginebra Gin Kings.

“Last conference, yes, we’re No. 1 in offense, but ang problem namin iyong depensa namin nakalimutan namin. Kaya pagdating ng playoffs, although med­yo nag-improve kami, hindi pa rin ganoon ka-pulido,” ani Victolero.

“So we have to be consistent sa depensa,” dagdag pa nito.

Buo pa rin ang star­ting five ng Magnolia na binubuo nina Paul Lee, Ian Sangalang, Calvin Abueva, Mark Barroca at Rafi Reavis.

CHITO VICTOLERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with