Bolts lusot sa Braves sa OT para sa Leg 2 title

Ibinulsa nina Maiquez, Alfred Batino, Joseph Se­du­rifa at Mclean Sabellina ang premyong P100,000.
STAR / File

MANILA, Philippines — Bumida si forward Dexter Maiquez sa paghahari ng Meralco matapos isalpak ang game-winning two-pointer para takasan ang Cavitex sa overtime, 18-17, at kunin ang Leg 2 title ng PBA 3x3 Third Con­ference kahapon sa Ro­binsons Las Pinas.

Ibinulsa nina Maiquez, Alfred Batino, Joseph Se­du­rifa at Mclean Sabellina ang premyong P100,000.

Bumangon ang Bolts mula sa five-point deficit pa­ra resbakan ang Braves.

Ito ang unang paglalaro ng Cavitex sa leg finals.

Kinuha ng Braves ang 16-11 abante sa huling da­lawang minuto ng laro mula sa two-pointer ni Prince Rivero.

Ngunit nagtuwang sina Batino at Sedurifa para itabla ang Meralco sa 16-16 sa huling 18.8 segundo patungo sa overtime.

Ang layup ni Bong Ga­lanza ang nagbigay sa Braves ng 17-16 bentahe kasunod ang game-winning two-pointer ni Maiquez sa panig ng Bolts.

Nakuntento ang Cavitex sa P50,000.

Sa labanan sa third place, kumonekta si big man Dennise Villamor ng isang short jumper sa hu­ling 28.2 segundo para sa 20-19 panalo ng Barangay Ginebra sa Terrafirma.

Show comments