Grizzlies tumatag sa No. 2 spot sa West

MEMPHIS, Philippines — Umiskor si Desmond Bane ng 22 points, habang may tig-21 markers sina De’Anthony Melton at Dillon Brooks pa­ra sa 123-95 dominasyon ng Grizzlies sa Golden State Warriors.

Pinatibay ng Memphis (53-23) ang kapit sa No. 2 spot sa Western Confe­ren­ce sa ilalim ng NBA-leading Phoenix Suns (61-14) at sa itaas ng Golden State (48-28).

Ito ang pang-limang su­nod na ratsada ng Grizzlies na sinamantala ang hin­di paglalaro nina leading scorer Stephen Curry, Klay Thompson, Draymond Green at Otto Porter Jr. pa­ra sa Warriors.

Sa Miami, nagtala si Jimmy Butler ng 27 points at nag-ambag si Bam Ade­bayo ng 22 points at 15 rebounds sa 123-100 pag­sunog ng Heat(48-28) sa Sacramento Kings (27-49).

Napasakamay ng Mia­mi ang No. 1 spot sa Eas­tern Conference kasunod ang No. 2 Milwaukee Bucks (46-28), No. 3 Philadelphia 76ers (46-28) at No. 4 Boston Celtics (47-29).

Sa Charlotte, kumolekta si Nikola Jokic ng 26 points, 19 rebounds at 11 assists para sa kanyang ika-19 tri­ple-double ngayong season sa 113-109 pagtakas ng Denver Nuggets (45-31) sa Hornets (39-37).

Sa New York, kumama­da si RJ Barrett ng 28 points   sa 109-104 pagdaig ng Knicks (34-42) sa Chicago Bulls (43-32).

Show comments