2023 Asian BMX Championships idaraos sa Pinas
MANILA, Philippines — Dalawang malakihang international cycling events ang idaraos ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) sa susunod na taon.
Ibinigay ng Asian Cycling Confederation (ACC) sa bansa ang pamamahala sa 2023 Asian BMX Championships at sa Asian Junior BMX Championships for Racing and Freestyle sa International Cycling Union (UCI)-standard BMX track at sa Tagaytay City International Convention Center (TICC) complex.
“It’s been a while since we hosted international cycling events and with this privilege, PhilCycling, Tagaytay City and the entire country for that matter will put their best foot forward for this event,” ani PhilCycling at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.
Kasama ang cycling competition sa 30th Southeast Asian Games noong 2019.
Babandera para sa Pinas si Fil-Am BMX racing champion Daniel Caluag, naglaro sa London Olympics noong 2012 at kumuha sa nag-iisang gold medal ng bansa noong 2014 Asian Games sa Incheon, Korea.
Ang iba pa ay ang utol niyang si CJ Caluag at sina 2019 Asian Junior Championships gold medalist Patrick Coo, 2019 SEA Games veterans Renz Viaje at Alan Ray Alfaro.
Hihilingin din ni Tolentino sa UCI na isama sa kanilang kalendaryo ang 2023 Asian championships bilang qualifiers para sa Paris 2024 Olympics.
- Latest