^

PSN Palaro

Navy riders kumikilos na, Stage 4 inagaw ni Oconer

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpakitang gilas ang defending champion na si George Oconer ng Navy Standard Insurance matapos nitong sikwatin ang Stage 4 ng LBC Ronda Pilipinas 2022 kahapon na nilarga sa Kalayaan Park, Legaspi at nagtapos sa Daet, Camarines Norte.

Tahimik sa unang tatlong stages, ipinaramdam ng 30-anyos na si Oconer ang kanyang tikas sa Stage 4 upang umentra sa Top 10 ng General Classification.

“Preparado naman kaming lahat at nasa kondis­yon kaya sana magtuluy-tuloy, gagawin lang namin ang lahat para manalo,” wika ni Oconer.

Nirehistro ni Oconer ang 4:10:12, dumating na segundo at tersero sina Mervin Corpuz ng Excellent Noodles at Arjay Pe­ralta ng Dreyna ayon sa pagkakasunod.

Dalawang Navy ri­ders ang tumawid sa finish line na pang-apat at panglima, ito’y sina El Joshua Carino at 2019 Ronda champion Ronald Oranza sa event na suportado ng LBC Express, Inc., MVP Sports Foundation, Quad X, Smart, Twin Cycle Gear, Standard Insurance, Print2Go, Elves Bicycles, Elitewheels, Orome, Maynilad, PhilHydro at Garmin.

Kuwento ni Oconer na sa huling 30 kilometers ng karera sila umatake ng kanyang mga kakampi kaya naman naisakatuparan nila ang kanilang pakay na makasikwat ng panalo sa 10-stage event na magtatapos sa Baguio City sa Marso 20.

Lumanding sa pang siyam sa GC si Oconer na may tangan na 9:45:17 oras habang nanatiling overall leader si two-time champion Jan Paul Morales. Nasa pang-apat sa general classification si Oranza.

Samantala, hawak pa rin ng Excellent Noodles ang No. 1 spot sa Team Classification.

ORANZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with