Chua 3rd place sa World 10-Ball

Johann Chua
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagkasya sa third-place finish si Johann Chua sa presitihiyosong Predator World 10-Ball Championship na ginanap kahapon sa Rio All-Suite Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Umani si Chua ng maka­pigil-hiningang 9-10 kabiguan sa kamay ni Ja­panese cue master Naoyuki Oi sa semifinals dahilan para tuluyan nang matuldukan ang kampanya nito.

Maganda naman ang simula ni Chua na sumampa sa 5-1 kalamangan sa pagsisimula ng laban.

Subalit kaliwa’t kanang mintis ang nagawa nito na agad namang sinamantala ni Oi para makabalik sa porma.

Naglatag ng sariling 5-1 run si Oi para mitabla ang iskor sa 6-all.

Mula rito, nagpalitan na ang dalawang cue masters bago tuluyang makuha ni Oi ang panalo sa ika-21 rack para makapasok sa finals.

Hindi naman pinalad si Oi sa finals nang yumuko ito kay Eklent Kaci sa iskor na 10-6.

Hindi uuwing luhaan si Chua dahil nagbulsa ito ng $12,000 premyo sa kanyang third-place finish habang napasakamay ni Kaci ang  $50,000 top prize at $22,000 naman ang napunta kay Oi.

Show comments