^

PSN Palaro

Grassroots program ng Milo tuloy sa gitna ng pandemya

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa gitna ng kinakaharap na pandemya ay hindi nahinto ang Milo Sports para ipagpatuloy ang kanilang grassroots prog­ram kagaya ng mga online at digital sports events.

Itinatampok ng Milo Sports sa kanilang digital sports program ang mga inspirasyong hatid ng mga Pinoy Olympians.

“The new program, “Mula noon hanggang ngayon, anuman ang panahon, tuloy ang pagiging champion,” ipinapakita namin ang mga iconic performance ng mga gymnastics, taekwondo, volleyball champion maging ang kanilang mga kuwento ng pagsisikap at determinasyon upang makamit ang inaasam na medalya, para ma-inspire ang mga bata,” ani Nestle Philippines assistant vice president Lester Castillo kahapon sa TOPS Usapang Sports on Air.

May 15 milyong kabataan mula sa online digital platform ng Milo ang aktibong nakibahagi sa kanilang prog­rama mula noong 2020 hanggang ngayong 2021.

Ang nasabing progra­ma naman ang nagbalik ng motivation kay 2019 SEA Games gold medalist Pauline Lopez.

“This program, bringing back the motivation on me, despite of pandemic, inspires me to what I am doing and sharing it with young kids,” ani Lopez.

Malaking tulong para sa taekwondo association ang kanilang partnership program ng Milo.

“They never stop promoting sports, malaking bagay ang partnership prog­ram nila sa PTA habang hindi pa tayo nakakabalik sa face-to-face platform, so we have to make adjustment sa digital program na ganito,” ani national coach Stephen Fernandez.

MILO SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with