Cojuangco, Romasanta at Barrios pararangalan ng PSA
MANILA, Philippines — Tatlong mahuhusay na sports personalities ang gagawaran ng Lifetime Achievement Award sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) virtual Awards Night sa Marso 27.
Ito ay sina dating San Miguel Corp. Chairman/CEO Eduardo ‘Danding’ Cojuangco, Gintong Alay Project Director Joey Romasanta at dating PBA Commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios.
Bibigyan ng parangal sina Cojuangco, Romasanta at Barrios dahil sa kanilang kontribusyon sa pagpapalawak ng sports sa bansa.
Makakasama ng tatlong kilalang personalidad si Athlete of the Year choice Yuka Saso sa listahan ng mga awardees sa PSA virtual awards.
Nauna nang ginawaran ng Lifetime Achievement Award sina pool legend Efren ‘Bata’ Reyes, Caloy Loyzaga, Virgilio ‘Baby’ Dalupan, Florencio Campomanes, Mauricio Martelino, Francisco Elizalde, Carlos Padilla, Filomeno ‘Boy Codiñera, at ang 1973 Philippine men’s basketball team.
Binibigyang-parangal ng PSA ang mga atleta at personalidad na nagningning sa kani-kanyang sports sa nakalipas na taon.
- Latest