^

PSN Palaro

Kai Sotto may torn ACL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Kai Sotto may torn ACL

MANILA, Philippines — Isang masaklap na balita ang bumungad kay Kai Sotto matapos isiwalat na nagtamo ito ng ACL injury base sa resulta ng isinagawang MRI.

Kinumpirma ng Koshi­gaya Alphas na nagtamo ang 7-foot-3 Pinoy cager ng ACL dahilan para tuluyan na itong hindi makalaro sa mga nalalabing laro ng kanilang tropa sa season na ito.

Malungkot si Sotto sa resulta kung saan itinuring niya itong pinakamasaklap na pangyayari sa kanyang basketball career.

“The worst way to start the year, might be the dar­kest day of my basketball career when I was told I tore my ACL,” ani Sotto sa kanyang post sa social media.

Aminado si Sotto na mahirap itong tanggapin ngunit nagpasalamat ito sa lahat ng pagmamahal at suportang natatanggap nito mula sa kanyang mga fans, kaibigan, teammates at kapamliya.

“Tough to let this one sink in. I appreciate all the love and support everyone has given me these past few days. I know God has a better plan for me and we just have to keep going,” dagdag ni Sotto.

Karaniwan nang uma­abot sa anim na buwan ang rehabilitasyon para tuluyang gumaling ang isang atletang nagtamo ng torn ACL.

Kaya naman hindi na makalalaro pa si Sotto sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.

Wala ring linaw kung makalalaro ito sa FIBA Asia Cup proper sa Agosto na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia.

Maganda pa naman ang inilalaro ni Sotto sa Japan B.League na kadalasang gumagawa ng double-digit output.

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with