Guiao gusto ng balanseng trade

Coach Yeng Guiao
PBA Images

Manuel nakaabang pa rin

MANILA, Philippines — Posibleng hindi matuloy ang NLEX-Alaska trade na kinapapalooban ni Vic Manuel dahil sa ilang puntos na inihayag ni Road Warriors head coach Yeng Guiao.

Ilan sa mga tinukoy ni Guiao ang palitan ng players.

Maaaring hindi magkasundo ang Aces at Road Warriors sa kung sino ang magiging kapalit ni Manuel sa gagawing trade.

“Baka ‘yung gusto nila sa amin ‘di naman namin kayang ibigay, di wala ring mangyayari,” ani Guiao.

Aminado si Guiao na malaking asset ng isang koponan si Manuel.

Subalit hindi ito handang ipamigay ang ilang key players nito bilang kapalit ni Manuel.

“I think that’s part of the consideration, who we have to give up. Sa akin kasi, malaking asset pa rin iyang si Vic Manuel pero I don’t want to give up somebody who will also be a big contributor to our cause,” ani Guiao.

Kailangan aniyang magkaroon ng balanseng trade para magkaayos ang Alaska at NLEX.

“Of course, value-for-value iyan. Alam naman namin iyon, we understand that. But I think as long as it’s reaso­nable, as long as it’s fair, both sides benefit, pwede naman iyon,” dagdag ni Guiao.

Nauna nang inihayag ni Manuel na nais nitong magpa-trade nang hindi nito magustuhan ang inilatag na two-year contract ng Alaska matapos mapaso ang kanyang kontrata noong Disyembre 31.

Show comments