WASHINGTON — Pinaiskor ng Miami Heat ang Wizards ng 71 points sa first half na hindi nagustuhan ni Fil-American head coach Erik Spoelstra.
Sinamantala ng Miami ang hindi paglalaro ng tatlong leading scorers ng Washington para limitahan ang Wizards sa 15 points sa third quarter patungo sa kanilang 128-124 panalo.
Tumipa si Tyler Herro ng career-high 31 points para sa Heat (4-4).
Hindi naglaro para sa Wizards (2-8) sina Bradley Beal (NBA health and safety protocols), Russell Westbrook (left quad injury) at Thomas Bryant (left knee injury).
Sa Philadelphia, nagposte si center Nikola Jokic ng 15 points at 12 assists para sa 115-103 panalo ng Denver Nuggets (4-5) kontra sa 76ers (7-3).
Naglaro ang Philadelphia na wala ang apat nilang regular starters na sina injured All-Stars Ben Simmons (sore left knee) at Joel Embiid (back) at Seth Curry (COVID-19 positive) at Tobias Harris (virus concerns) at sina reserves Shake Milton, Matisse Thybulle at Vincent Poirier (virus concerns).
Sa Milwaukee, umiskor si Khris Middleton ng 27 points para igiya ang Bucks (6-4) sa 100-90 pananaig sa Cleveland Cavaliers (5-5).
Naglaro ang Milwaukee na wala si two-time reigning MVP Giannis Antetokounmpo (back spasms).
Sa Dallas, naglatag si Tim Hardaway Jr. ng season-high 36 points triple-double para sa 112-98 pagdaig ng Mavericks (5-4) laban sa Orlando Magic (6-4).