Javier hinugot ng TNT kapalit ni Williams
MANILA, Philippines — Kinuha ng Talk ’N Text management si Chris Javier upang punan ang nabakanteng puwesto ni Kelly Williams na nagdesisyong magretiro kamakailan.
Galing ang dating University of the East slotman na si Javier sa Blackwater.
Ngunit inilagay ito ng Elite sa unrestricted free agent kaya’t agad naman itong sinunggaban ng Katropa upang makatulong sa kampanya nito sa PBA restart.
Sasaluhin ng TNT ang natitirang kontrata ni Javier hanggang Disyembre,
Masaya naman si Katropa team manager Gabby Cui sa pagpasok ni Javier na makakatulong ng husto sa kanilang koponan.
Inaasahang makakasama na ng Katropa si Javier sa regular workout nito sa susunod na linggo.
Tiwala si Cui na mabilis na makakasabay si Javier sa sistema ng TNT dahil sa magandang rekord nito sa ibang koponang kanyang nilaruan.
Nabangasan ang Katropa sa biglaang retirement ni Williams.
- Latest