LAKE BUENA VISTA, Fla. — Matapos ang ikalawang sunod na araw ng pagkaka-postponed ng mga laro dahil sa NBA walkout bunga ng racial injustice issue ay nagkasundo ang mga players na tapusin ang postseason.
Nagkaroon ng pagpupulong kahapon ang mga NBA players at nagkaisang muling maglaro sa NBA virus-free bubble rito sa Disney World.
“We obviously agree that whether we play or not, we still have to do our best to make change and we still have to do our part in the community,” wika ni Orlando Magic guard Michael Carter-Williams sa isang video interview.
Malaki ang naging papel ni NBA legend Michael Jordan, ang Charlotte Hornets team owner at tanging Black majority owner sa liga, sa pagkakasundo ng mga team owners at players na tapusin ang playoffs.
“Right now, listening is better than talking,” sabi ni Jordan sa nasabing virtual meeting ng kapwa niya mga team owners.
Nagalit ang mga players dahil sa pagkakabaril kay Jacob Blake, isang Black man, ng mga pulis sa Kenosha, Wisconsin kamakailan.
Ang nasabing boycott ay pinamunuan ng Eastern Conference No. 1 Milwaukee Bucks na tumangging maglaro sa Game Five laban sa No. 8 Orlando Magic nitong Huwebes (Manila time).
At dahil dito ay hindi na rin inilaro ang salpukan ng No. 4 Houston Rockets at No. 5 Oklahoma City Thunder at bakbakan ng No. 1 Los Angeles Lakers at No. 8 Portland Trail Bla-zers pati nitong Biyernes (Manila time).