^

PSN Palaro

Carter binaha ng tributes sa kanyang pagreretiro

Pilipino Star Ngayon
Carter binaha ng tributes sa kanyang pagreretiro
“I’m officially done playing basketball professionally. I’ll play at home,” pahayag ni Vince Carter sa pagtatapos ng kanyang record na 22-year NBA career
KEVIN C. COX / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP

ATLANTA -- Sapul nang magsimula ang quarantine ay palaging nalalagay sa ‘half yes, half no’ situation ang pagreretiro ni NBA star Vince Carter.

Ngunit ginawa na itong opisyal ng tinaguriang ‘Half Man Half Amazing’ sa kanyang podcast.

“I’m officially done playing basketball professionally. I’ll play at home,” pahayag ni Carter sa pagtatapos ng kanyang record na 22-year NBA career

Sa makulay niyang career simula noong 1990s hanggang sa 2020 ay nag­laro si Carter sa walong koponan.

Binaha siya ng mga tri­butes mula sa mga kapwa niya NBA players.

“Congrats to one of my all-time favorite teammates @mrvincecarter15 onban incredible career. See you in @HoopHall!,” sabi ni Jason Kidd sa dati niyang teammate sa New Jersey Nets.

“Half Man, Full Icon,” pahayag ng Toronto Raptors kung saan sumikat ang 43-anyos na si Carter, naglaro rin para sa Nets, Orlando Magic, Phoenix Suns, Dallas Mavericks, Memphis Grizzlies, Sacramento Kings at Atlanta Hawks.

Ang naging pinakatampok sa career ni Carter ay ang kanyang dumadagundong na dunk kay 7’2” Fre­deric Weis bilang mi­yembro ng 2000 Team USA.

NBA

VINCE CARTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with