^

PSN Palaro

Top Rank fights aprubado na ng NSAC

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Top Rank fights aprubado na ng NSAC
World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Johnriel Casimero
ringtv.com

Casimero, Ancajas makikinabang

MANILA, Philippines — Tuloy na tuloy na ang pagbabalik ng boxing dahil aprubado na ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) ang boxing fights kabilang na ang ilalatag ng Top Rank Promotions sa Hunyo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Ayon kay NSAC Exe­cutive Director Bob Bennett, papayagan na ang mga sporting events ngunit kailangan ng mga organi­zers na tumalima sa patakarang ipinatutupad upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

“We feel comfortable now because the governor advised it was his prerogative as to when we’re ready to move forward. He has the governor’s support provided (Top Rank and others) adhere to their operational plan and our protocols,” ani Bennett.

Dahil sa magandang balita, inaasahang maikakasa na anumang araw ang laban nina International Boxing Federation (IBF) junior bantamweight champion Jerwin Ancajas at World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Johnriel Casimero.

Tuluy-tuloy ang ensayo ni Casimero sa Las Vegas kasama ang kanyang buong team.

Hinihintay na lamang ng Top Rank na makarating sa Amerika si International Boxing Federation at World Boxing Association bantamweight titlist Naoya Inoue.

Mas magiging madali na ang pagtatalaga ng petsa ng laban sa oras na lumapat ang paa ni Inoue sa Las Vegas.

Maliban kay Casimero, posibleng tumulak na rin si Ancajas sa Amerika para doon na ipagpatuloy ang kanyang paghahanda at ang paghihintay sa petsa ng kanyang laban.

Nilinaw naman ng NSAC na magiging mahigpit ito sa mga alintuntunin dahil nais nitong panga­lagaan hindi lamang ang kapakanan ng mga fighters na sasabak maging ng mga taong gagalaw sa naturang event.

Kaya naman pinaplan­tsa na ng Top Rank ang lahat ng kakailanganin upang tuluyan nang maisagawa ang mga laban.

Idaraos ang mga bakbakan sa isang closed-door venue kung saan walang fans ang maaaring makapanood ng live.

Tanging ang miyembro lamang ng organizing committee ang makakapasok sa venue.

BOB BENNETT

NSAC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with