DALLAS - Kung ibabalik ang nadiskaril na 2019-2020 NBA season ay gusto ni Mavericks team owner Mark Cuban na sumalang ang lahat ng 30 teams.
Ang bawat koponan ay sasabak sa lima hanggang pitong regular-season games patungo sa 20-team postseason kasama ang isang six-team play-in tournament.
“(This plan) gives us a chance to have some more playoff games, some more excitement, some more meaningful games,” wika ni Cuban. “That gives almost every team a chance when we come back for whatever’s going to be left of our regular season to do something interesting and compete for something.”
Sinuspindi ng NBA Board of Governors ang season nong Marso 11 matapos magpositibo si Utah Jazz center Rudy Gobert sa coronavirus disease (COVID-19).
Bago ang suspensyon ay nailaro na ng mga NBA teams ang 63 hanggang 67 games ng kanilang 82-game schedule.
Ayon sa media reports, nakasaad sa TV contracts na dapat maglaro ang mga koponan ng 70 regular-season games.