LOS ANGELES -- Pinaghahandaan ng United States Tennis Association ang pagdaraos ng US Open sa New York ngayong taon kasabay ng paglalatag ng alternatibong plano para sa torneo.
Ang New York ang epicentre ng coronavirus pandemic sa United States.
May ilang ulat na posibleng pagpalitin ng USTA officials ang nasabing August 31-September 13 tournament sa alinman sa Indian Wells or Orlando para makaiwas sa COVID-19.
Ngunit sinabi ni USTA spokesman Chris Widmaier na itutuloy nila ang pagdaraos ng US Open sa regular venue at petsa nito.
“The USTA’s goal is to hold the 2020 US Open in New York on its currently scheduled dates,” wika ni Widmaier.