Tyson inalok ng $1 million para lumaban sa exhibition match sa Australia

Mike Tyson
STAR/ File

AUSTRALIA -- Isang Australian matchmaker ang nag-aalok ng $1 milyon kay Mike Tyson para labanan ng American boxing legend ang rugby player-turned-boxer sa isang exhibition match.

Sinasabing kinausap na ni promoter Brian Amatruda ang kampo ng 53-anyos na si Tyson, may career e­arnings na hindi bababa sa $700 milyon na ngayon ay maaaring nasa $3 milyon na lamang.

Ilan sa mga gustong itapat ni Amatruda kay Tyson ay sina rugby player-turned-boxers Barry Hall, Paul Gallen at Sonny Bill Williams.

“He might be 53 years old but he’s still a huge name and any of those blokes Hall, Gallen or Sonny Bill would jump at the chance to get into the ring with him,” wika ni Amatruda sa panayam ng Daily Mcail.

Noong nakaraang linggo ay ibinahagi ni Tyson ang isang video ng kanyang pagpapawis sa mitts na nagpaingay sa posible niyang pagbabalik sa boxing ring.

Nagretiro si Tyson noong 2006 at nagposte ng 50-8-0 win-loss-draw ring record tampok ang 44 knockouts.

Kung matutuloy ito ay gusto ni Amatruda na gawin ang nasabing exhibition match sa 10,500-capacity Melbourne Arena o sa Princes Park na may 22,000 seating capacity.

Show comments