^

PSN Palaro

E-sports ikinukunsidera ng NCAA sa Season 96

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa unang pagkakataon sa kanilang kasaysayan ay ikukunsidera ng NCAA ang pagdaraos ng ilang e-games o e-sports bilang isa sa mga “extra-ordinary measures” ng kanilang ga­gawin para sa Season 96.

Ito, ayon kay Fr. Vic Calvo, OP, ng Season 96 host Letran, ay kung papayagan silang magbukas ng season na naantala dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kabilang sa mga online games na ikinukunsiderang isama sa league calendar ay ang NBA 2k (basketball) at Mobile Legends.

“We’re seriously consi­dering holding e-games or e-sports should and when we be allowed to open the NCAA this season,” wika ni Calvo. “It is best for everyone because it is safer for our athletes as well as for everyone.”

Maaari ring ikunsidera ng NCAA ang online chess na isinagawa ng ilang grupo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Naitampok na ang e-sports sa nakaraang 2019 Southeast Asian Games na pinamahalaan ng bansa kung saan kumuha ang mga Pinoy e-gamers ng tatlong gold, isang silver at isang bronze medal.

Samantala, tanging ang basketball, volleyball, track and field at swimming ang iniisip ng NCAA na idaos para sa Season 96.

NBA

NCAA

VIC CALVO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with