Alas tiwala pa rin vs TNT Katropa

MANILA, Philippines — Bagama’t 10 players lamang ang magagamit bunga ng mga injuries ay kumpiyansa pa rin si Phoenix head coach Louie Alas na tatalunin nila ang pinalakas na TNT Katropa.

“We watch the tune-up games films, pero ‘yon ngayun problema ko, injuries. Ten lang ang warm bodies ko,” sabi ni Alas sa pagsagupa ng kanyang Fuel Masters kontra sa Tropang Texters ngayong alas-4:30 ng hapon sa 2020 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

May mga injury sina big men Dave Marcelo at Jake Pascual, kaya sina Justin Chua, Jason Perkins at veteran forrward Willy Wilson ang pupuno sa shaded lane ng Phoenix.

Ipaparada naman ng TNT Katropa si 6-foot-8 Poy Erram na nahugot nila mula sa NLEX via  trade.

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay magtutuos ang NLEX at NorthPort na muling pangungunahan ni Best Player of the Confe­rence Fil-German Christian Standhardinger.

Show comments