MANILA, Philippines — Patuloy ang maningning na kampanya ni Meridian International School standout Kyzel Del Rosario matapos humakot ng isang ginto, isang pilak at isang tansong medalya sa 168th Philippine Swimming League (PSL) Swim Series Short Course Leg 1-NCR na ginanap sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.
Nagparamdam ng lakas ang Aqua Pro Swimming Team tanker na si Del Rosario nang mamayagpag ito sa girls’ eight-year 50-meter freestyle sa bilis na 46.19 segundo.
Pinataob ng Grade 3 student na si Del Rosario sina Alex Pasia (46.38) at Johanne Briones (46.53) na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.
“She has a bright future. She’s really improving from time to time and we’re looking forward to see her grow and achieve her dreams of winning gold medals in international competitions,” ani Philippine Swimming League president Alexandre Papa.
Humatak pa ng isang pilak na medalya si Del Rosario sa 50m butterfly kung saan nagtala ito ng 55.16 segundo.
Magarbong tinapos ni Del Rosario ang kampanya nito matapos makasikwat ng tanso sa 50m breaststroke (1:01.69).
“It’s a good thing she has a very supportive parents and a very talented mentor in coach Mhong Sanchez who’s always there to guide her. Hopefully in the near future, we’ll be seeing her on top of the podium in an international meet,” dagdag ni Papa.
Target ni William Del Rosario – ang ama ni Kyzel – na ipadala ang bagitong tanker sa iba’t ibang international tournaments sa Thailand, Japan at Singapore upang mas lalo pa itong mahasa.
“We’re just studying on which tournament she’ll be joining this year. It’s a good experience to expose young swimmers like Kyzel in international-level tournaments to gauge their skills and at the same time enjoy meeting new people of different nationalities,” ani William.