^

PSN Palaro

San Beda kinumpleto ang Final 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
San Beda kinumpleto ang Final 4
Sumulong ang Lady Red Spikers sa 6-2 rekord para samahan sa semis ang nangungunang College of Saint Benilde (7-0), nagdedepensang Arellano University (6-1) at Season 94 runner-up University of Perpetual Help System Dalta (6-2).
The STAR/Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Sinakmal ng San Beda University ang impresibong 25-19, 25-17, 25-19 panalo sa Mapua University upang kumpletuhin ang Final Four cast sa NCAA Season 95 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sumulong ang Lady Red Spikers sa 6-2 rekord para samahan sa semis ang nangungunang College of Saint Benilde (7-0), nagdedepensang Arellano University (6-1) at Season 94 runner-up University of Perpetual Help System Dalta (6-2).

Bumida sa pagkakataong ito si Nieza Viray na hu­mataw ng 17 hits mula sa 12 attacks, tatlong aces at da­lawang blocks habang solido rin ang floor defense nito matapos magtala ng 12 digs.

Nagtala naman si open hitter Cesca Racraquin ng 12 puntos – lahat galing sa attacks – at gumawa ng 11 hits si Kimberly Manzano kabilang ang apat sa kabuuang pitong blocks ng Lady Red Spikers.

Hindi nakaporma sa San Beda ang Mapua nang ila­tag nito ang matatalim na atake para makabuo ng 44 attacks laban sa 20 lamang ng Lady Cardinals.

Liyamado rin ang Lady Red Spikers sa blocking de­partment (7-2) at service area (4-3).

Nakakuha pa ng 30 libreng puntos ang San Beda mu­la sa errors ng Mapua.

“Talagang nagtrabaho ang mga bata which is good for us kasi mataas ang morale ng mga players, nandoon na ‘yung maturity sa paglalaro,” wika ni Lady Red Spikers mentor Nemesio Gavino.

Walang manlalaro ng Lady Cardinals ang nagtala ng double digits kung saan tanging tig-pito lamang ang nailista nina Mae Fernandez at Lorraine Barias.

Bagsak sa 1-7 ang baraha ng Mapua.

Sa unang laro, pinatumba ng San Sebastian College-Recoletos ang Lyceum of the Philippines Uni­ver­sity, 25-20, 25-18, 20-25, 25-16, para bahagyang gumanda ang kanilang record sa 2-6.

Nangibabaw sina Shane Requierme at Reyann Cañete na may tig-14 puntos, samantalang naglista naman sina Jamille Carreon at Kamille Tan ng tig-12 marka pa­ra pamunuan ang balanseng ratsada ng Lady Stags.

Nagtamo ang Lady Pirates ng 3-5 marka at nasayang ang 15 points ni Monica Sevilla.

NCAA SEASON 95

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with