Lady Knights sumosyo sa No. 4

MANILA, Philippines — Nasawata ng Colegio de San Juan de Letran ang Lyceum of the Philippines University, 26-28, 27-25, 16-25, 25-19, 16-14, para pa­lakasin ang ka­­nilang pag-asa sa Final Four ng NCAA Season 95 wo­­men’s volleyball tourna­ment kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Humataw si Chamberlaine Cunada ng career-high na 28 points buhat sa 24 attacks, 3 blocks at 1 ace para buhatin ang Lady Knights sa ikatlong panalo.

Umangat ang Letran sa No. 4 spot kasalo ang San Beda University hawak ang magkatulad na 3-2 marka, habang nangunguna pa rin ang Saint Benilde (6-0), University of Perpetual Help System Dalta (5-1) at reigning champion Arellano University (5-1).

“Sobrang laking panalo ito para sa amin dahil nag­ka­roon kami ng liwanag do­on sa No. 4,” ani Letran mentor Michael Inoferio.

Nakatuwang ni Cuna­da sa opensa si Julienne Castro na umiskor ng 15 attacks at 2 aces, habang nagbigay rin ng kanilang kon­tribusyon sina Anne Mon­teagudo at Kath Dela Cruz na may pinagsamang 17 hits.

Nasayang naman ang double-double perfor­mance nina Alexandra Ra­fael at Monica Jane Sevilla na parehong may 17 mar­kers at 14 digs para sa La­dy Pirates, bumagsak sa 2-4 marka.

Show comments