^

PSN Palaro

San Juan nilayasan ni Cardona

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Basilan steel, Bulacan kuyas nanalasa

MANILA, Philippines — Nawalan ng isang star player ang Datu Cup champion San Juan Knighs sa kanilang kampanya sa  2019-20 Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)  Lakan Cup.

Ito ay matapos magpasya si Mac Cardona na magpahinga muna sa paglalaro sa San Juan Knights dahil sa personal na dahilan.

Ipinahayag ng management ng Go-for-Gold-San Juan Knights kahapon ang desisyon ng dating De La Salle forward na si Cardona.

“As we start the year 2020, the San Juan Knights-Go for Gold will move forward without one of our veteran presence in Macmac (Cardona),” pahayag ng San Juan Knights management.

Ang 38-anyos na si Car­dona ay naglaro ng mahigit 20 games sa season na ito kung saan nag-a­veraged  siya ng 7.6 puntos,  2.8 rebounds at 1.7 assists sa 15.3 minuto kada laro.

Sa ngayon ang Knights ay nasa ibabaw ng team standing sa North Division sa kanilang 21-3 win-loss kartada. 

 Samantala, nangaila­ngan ng overtime period ang Basilan Steel bago magwagi kontra sa Pasig Pirates, 89-83, habang inilampaso naman ng Bulacan Kuyas ang Sarangani Marlins, 76-69, sa  pagpapatuloy ng Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Umabot pa sa tabla ang laro, 74-74, sa pagtatapos ng  regulation period, ngunit biglang nagpasiklab sina Dennis Daa at Hessed Gabo ng 15-9 run sa limang minuto na extension upang manatili ang Basilan sa ika-apat na puwesto sa 16-9 record sa Southern Division.

Pinataob din ng Muntinlupa Cagers ang Imus Bandera, 90-86, sa ibang laro para umangat sa 7-19 slate sa Southern Division.

IMUS BANDERA

MAC CARDONA

MPBL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with