Knights target ang ika-21 panalo sa MPBL

MANILA, Philippines — Matapos ag 15 araw na pahinga, muling matutung­hayan ang 2019-2020 Chooks-to-Go-Maharlika Pi­lipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa pag­harap ng nangungu­nang San Juan Knights kon­tra sa Navotas Clutch sa San Andres Sports Com­plex sa San Andres, Ma­nila.

Tangan ang 20-3 kar­tada, haharapin ng Datu Cup champion na Knights ang Navotas Clutch sa ga­nap na alas-6:45 ng gabi ma­tapos ang pagtatagpo ng Nueva Ecija at Batangas Athletics sa alas-4:15 ng hapon.

Sa huling laro, asam na­man ng pumapangalawang Manila Stars ang ka­nilang pang-21 panalo sa pakikipagtuos kontra sa Rizal Golden Coolers sa alas-8:45 ng gabi.

Muling sasandal si head coach Randy Alcantara sa kan­yang mga beteranong si­na John Wilson, Larry Rod­riguez, Jhonard Clarito, Justine Baltazar para ma­ko­po ang ika-21 panalo sa 24 laro at manatili sa so­lo top spot sa Northern Di­vision.

Haharapin ng Knights ang Clutch na nawalan ng pag-asang makapa­sok sa susunod na round dahil sa ka­nilang 6-18 slate.

Nasa ika-14 puwesto ang Navotas sa parehong Northern group.

Sa ibang laro, inaasa­hang muling hahataw sina Carlo Lastimosa at Gabby Es­pinas para sa Manila Stars na may 20-4 baraha sa Northern Division.

Ang Rizal ay may 4-18 slate sa Northern group.

Ang Batangas Athle­tics ay may 13-9 card sa Southern Division at ang Nueva Ecija ay may 6-16 mar­­ka sa Northern Division.

Show comments