MANILA, Philippines — GOLD! Nakiisa sa pagdiriwang ng Philippine Women’s Epee Team ng fencing matapos ang kahanga-hangang gintong medaaalyang tagumpay sina Manila Congressman and sportsman Manny Lopez, House Deputy Speaker Cong. Conrado Estrella, dating POC at Fencing chief Cito Dayrit at Ormoc City Mayor at Fencing chief Richard Gomez.
Bilang pagkilala sa galing ng atletang Pinoy, ipinasa ng Kongreso ang pagpapalabas ng P10 milyon mula sa mga suweldo ng lahat ng mga kongresista bilang karagdagang insentibo sa pagsungkit ng atletang Pinoy sa overall championship sa 30th Southeast Asian Games.