Pinay paddlers sumagwan ng 2 ginto

SUBIC , Philippines — Sumagwan ng dalawang gintong medalya ang Pilipinas sa rowing competition ng 30th Southeast Asian Games kahapon dito sa ACEA Bay.

Inangkin ni Cris Nievarez ang gold medal sa men’s lightweight single sculls matapos magtala ng bilis na 7:34.27 kasunod si Siripong Chaiwichitchonkul (7:35.01) ng Thailand para sa silver medal.

Si Kakan Kusmana (39.54) ang kumuha ng bronze medal.

Nagtambal naman sina Joane Delgaco at Melcah Caballero para ang­kinin ang gintong medalya ng women’s lightweight double sculls race nang magsumite ng tiyempong 7:24.21.

Inungusan nina Delgaco at Caballero sina Thi Hao Dinh at Thanh Huyen Ta (7:27.65) ng Vietnam at Shwe Zin Latt at Nilar Win (7:30.23) ng Myanmar.

Show comments