^

PSN Palaro

Pinay Spikers masusukat sa Indonesia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibubuhos ng Pilipinas ang ngitngit nito sa Indonesia sa pagpapatuloy ng 2019 Southeast Asian Games women’s volleyball competitions ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.

Magtatagpo ang Pilipinas at Indonesia sa alas-6 ng gabi habang nakatakda ang duwelo ng reigning champion Thailand at Vietnam sa alas-3:30 ng hapon.

Nananatiling mailap ang panalo sa Pinay spikers.

Umani ng kabiguan ang Pilipinas sa powerhouse Thailand noong Huwebes sa iskor na 16-25, 22-25, 32-34.

Gayunpaman, masaya si team captain Aby Maraño sa ipinakita ng kanilang tropa.

Nagawa nilang pahirapan ang Thailand sa huling sandali ng laban.

“Masaya ako dahil na­­bigyan namin sila ng magandang laban. Mala­king karangalan na yung mapahirapan namin sila,” ani Maraño.Ngunit hindi pa tapos ang laban.

Nais ng grupo na maka­kuha ng panalo upang mas tumaas ang morale ng koponan bago sumalang sa mas importanteng laro sa Lunes – ang bronze-medal match laban din sa Indonesia.

Kaya naman inaasa­hang muling aariba ang Pinay spikers sa pangu­nguna ni Alyssa Valdez.

vuukle comment

PINAY SPIKERS

WOMEN VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with