MANILA, Philippines — Nangailangan ng tatlong overtime periods ang Makati Super Crunch bago magwagi kontra sa Zamboanga Family Sardines, 111-106 sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Ynares Sports Center ng Antipolo City.
Umarangkada ang Makati ng limang puntos sa huling minuto upang makamit ang ika-anim na sunod panalo at manatili sa ikalawang puwesto sa 17-3 win-loss kartada sa Northern Division.
Tumipak ng 26 puntos at limang rebounds si Cedric Ablaza para sa Super Crunch.
Hindi rin nagpahuli si Juneric Baloria sa kanyang 22 puntos at pitong rebounds upang malampasan ang unang tatlong overtime na laro ng MPBL.
Sa iba pang laro, nalusutan ng Cebu City Sharks ang Navotas Clutch, 83-71 habang pinataob naman ng Biñan City, Laguna ang Rizal, 92-82.
Dahil sa panalo, nanatiling buhay ang pag-asa ng Cebu Sharks sa 9-10 card sa Southern Division.