Pinoy paddlers sasagwan sa China
MANILA, Philippines — Nakatakdang lumipad ngayong araw ang national dragonboat team patungong Ningbo, China upang sumabak sa 2019 ICF Dragonboat World Cup
Ayon kay national head coach Lenlen Escollante, target ng Pinoy paddlers na makapagbigay ng magandang laban sa world meet na lalahukan ng matitikas na koponan mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Hangad din ng dragonboat team na makapag-ambag ng gintong medalya sa tangka ng Pilipinas na mahablot ang overall championship crown sa SEA Games.
Kaya naman magandang pambungad ang World Cup bago masilayan sa aksiyon ang koponan sa SEA Games na idaraos sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Maalawan Park sa Olongapo City.
“We are eyeing to win at least three of the six gold medals at stake. I’m glad that this World Cup came at least a month before the SEA Games. At least we can see where we are right now in terms of preparation and what are the areas we need to improve on as we head to the Southeast Asian Games,” ani Escollante.
Tinukoy ni Escollante ang 1,000-meter at 200-meter mixed standard boat events at ang 500-meter men’s four-seater event na may pinakamalakas na tsansa ang Pilipinas.
- Latest