Annis tuluyan nang nagretiro
MANILA, Philippines — Sa edad na 35-anyos ay nagdesisyon si long-time national women’s football team captain Tahnai Annis na magretiro.
Ayon kay Annis, sinimulan niyang obserbahan ang kanyang katawan sa pagsisimula ng 2024.
“I don’t think it’s any secret how old I am and it’s not just because I’m much older as a footballer,” sabi ni Annis.
“I think my body, my mind and kind of, my spirit is just come to a point where it’s all in alignment that it’s time for me to step away,” dagdag nito.
Simula noong 2018 ay naglalaro na si Annis para sa Filipinas, ang tawag sa national women’s football team.
Siya ang team captain ng Filipinas sa kanilang title run sa 2022 AFF Women’s Championship at naging miyembro ng koponan sa makasaysayang pagsabak sa 2023 FIFA Women’s World Cup.
Umiskor siya ng kabuuang 14 goals at sa kanyang professional career ay naglaro si Annis para sa Icelandic side Por/KA ng top-flight women’s football league.
- Latest