^

PSN Palaro

CSB AniGators kakatawan sa Pilipinas sa HADO World Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Tinanghal na kampeon ang De La Salle-College of Saint Benilde (CSB) AniGators sa kauna-unahang NCAA HADO Pilipinas Tournament Finals na ginanap noong Biyernes.

Tinalo ng AniGators ang Emilio Aguinaldo College (EAC) Crim Pythons para maging kinatawan ng Pilipinas sa gaganaping HADO World Championships sa Tokyo, Japan ngayong Disyembre.

Binubuo ang AniGators nina Niccolo Perez, John Basoc, Jael Dango, Mika Lariosa at Fiel Julo na tinapos ang torneo na hindi nababahiran ng talo. Handa na silang harapin ang iba’t iba pang koponan ng HADO sa buong mundo para sa premyong nagkakahalaga ng ¥2 million.

Isang inobasyon ang Hado Pilipinas ng ABS-CBN subsidiary na ABS-CBN Themed Experien­ces, sa pagpapatuloy na paghahandog ng network ng kakaibang karanasan para sa mga Kapamilya. Unang ipinakilala ang nasabing techno sport noong Hulyo sa simula ng ika-95 na season ng NCAA.

Maaari nang masubukan ang HADO sa COS­LANDIA 2019 sa SMX Aura sa darating na Linggo (Nobyembre 3). Nalalapit na ring buksan ang inaabangang HADO Camp sa loob ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang detalye, sundan lamang ang @hadopilipinas sa Facebook, Twitter at Instagram. Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

 

vuukle comment

DE LA SALLE-COLLEGE OF SAINT BENILDE

NCAA HADO PILIPINAS TOURNAMENT FINALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with