Fighting Maroons, Tigers kakapit sa No. 2

MANILA,Philippines — Kapwa target ng University of the Philippines Fighting Maroons at University of Santo Tomas Growling Tigers ang pang-walong panalo upang mahawakan ang ikalawang puwesto sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’sbasketball tournament sa Araneta Coliseum.

Haharapin ng Figh­ting Maroons ang National University Bulldogs sa alas-10:30 ng umaga habang magtatagpo naman ang Growling Tigers at De La Salle Green Archers sa alas-4 ng hapon.

Hangad naman ng FEU Tamaraws ang pang-pitong panalo sa pakikipagtipan kontra sa Adamson Soaring Falcons sa alas-12:30 ng hapon.

Mahigit half-a-game lamang ang agwat ng pumapangalawang Figh­ting Maroons sa kanilang 7-4 win-loss mula sa pumapangtlong Growling Tigers na hawak naman ang 7-5 slate.

Kaya kung magwawagi ang UP kontra sa NU mananatili ang tropa ni coach Bo Perasol sa second spot, ngunit kung mabibigo at mananalo ang UST sa DLSU, aangat naman ang España-based Tigers sa ikalawang puwesto at malalaglag ang UP sa third spot.

Sa pagpasok ng two-peat champion Ateneo sa semis kasama ang u­nang twice-to-beat bentahe, ang huling tatlong semifinal berth na lamang ang pag-aagawan ng UP (7-4), UST (7-5), FEU (6-6), DLSU (5-6) at Adamson (4-7).

Natapos na ang pag-asang Final Four slots ng University of the East Red Warriors (3-9) at National University Bulldogs (2-9) kaya limang koponan na lamang ang nagpapatuloy sa semifinal race sa krusyal stretches ng elimination round.

Show comments