^

PSN Palaro

Letran ‘di bibitaw sa No. 3 vs AU

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Letran ‘di bibitaw sa No. 3 vs AU
Nabigo ang Knights sa three-peat champion San Beda, 63-75 noong Martes kaya kailangan nilang bumangon agad para kumapit sa ikatlong puwesto sa likuran ng Red Lions (15-0) at Lyceum Pirates (11-3).
File

MANILA, Philippines — Bagama’t nabigo sa nakaraang laro, pipiliting ng Letran Knights na makabangon agad sa pakikipag­laban sa Arellano Chiefs habang magtatagpo naman ang SSC-R Stags at JRU Heavy Bom­bers ngayon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magtatagpo ang Knights (9-6) at ang Chiefs (4-10) sa alas-2 ng hapon at susundan ng labanan ng San Sebastian Stags (7-6) at Jose Rizal Heavy Bombers (4-9) sa alas-4 ng hapon.

Makikipagtipan naman ang Letran Squires sa Arellano Braves sa alas-10 ng umaga at ang JRU Light Bombers kontra sa SSC-R Staglets sa alas-12 ng tanghali sa Juniors’ division.

Nabigo ang Knights sa three-peat champion San Beda, 63-75 noong Martes kaya kailangan nilang bumangon agad para kumapit sa ikatlong puwesto sa likuran ng Red Lions (15-0) at Lyceum Pirates (11-3).

Kung mabibigo ang Letran sa Arellano, babag­sak sila sa pang-apat na puwesto sa 9-7 win-loss kartada habang aakyat naman ang Stags sa third spot sa 8-6 record kung magtagumpay ang tropa ni coach Egay Macaraya laban sa JRU sa ibang laro.

Bukod sa San Beda na nakakasiguro na sa top spot at unang twice-to-beat bentahe sa malinis na 15-0 card, mayroon na lamang natitirang mahigit tig-4 na laro ang bawat koponan sa second round elimination kaya bawat laro ng mga nasa top six kabilang na ang No. 5 Mapua (7-7) at No. 6 St. Benilde (6-7) ay krusyal.

NCAA BASKETBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with