Knights tangka ang ika-8 vs Capitals

Laro Ngayon (FilOil Flying V Arena)

4 p.m. Batangas City  vs Pasay

6:30 p.m. Muntinlupa  vs  Nueva Ecija

8:30 p.m. San Juan  vs QC

MANILA, Philippines — Hangad ng Datu Cup champion San Juan Knights-Go-for-Gold na mapanatili ang malinis na kartada sa pagharap nga­yong araw kontra sa Quezon City Capitals sa pagpapatuloy ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Tangan ang 7-0 win-loss kartada, haharapin ng Knights ang Capitals (4-3) sa alas-8:30 ng gabi pagkatapos ng pagtatagpo ng Muntinlupa Cagers (3-5) laban sa baguhang Nueva Ecija MiGuard (1-5) sa alas-6:30 ng gabi.

Sa unang laro, asam, din ng Batangas City Athletics (3-1) ang pang-apat na panalo sa pakikipagtuos kontra sa Pasay City Voyagers (4-5) sa alas-4 ng hapon.

Kung magwawagi ang Knights ni coach Randy Alcantara, mananatili sila sa solo liderato sa N­orthern Division, mahigit isang panalo ang agwat mula sa pumapangalawang Manila Stars (7-1) at angat ng dalawang laro mula sa pumapangatlong  Makati Super Crunch (5-1).

Ang San Juan ang tanging koponan sa 31-team home-and-away league na hindi pa nakatikim ng talo.

Show comments