Bacoor Strikers ‘di bumitaw sa liderato

MANILA, Philippines — Nanatili ang Bacoor Strikers sa liderato ng Southern Division matapos patumbahin ang Soccsksargen Marlins, 65-60  sa pagpapatuloy ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup noong Miyerkules ng gabi sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Umani si Ian Melencio ng 14 puntos sa 6-of-9 shoo­ting sa field goal na may kasama pang pitong rebounds, apat na assists at isang steal upang manatili ang Strikers sa solo top spot sa 6-1 win-loss kartada.

Bukod kay Melencio, tumulong din ng 12 puntos, anim na rebounds at walong assist si Gab Banal at 12 rin mula kay Michael Canete.

Dahil sa talo, ang Soccsksargen Marlins ay nanatili rin sa ilalim ng standing sa Southern group sa 0-4 card, sila na lamang ang tanging koponan sa South na wala pang panalo.

Sa iba pang laro, tinambakan ng Manila Stars ang Bulacan Kuyas, 93-72  upang manatli rin sa solo second spot sa 6-1 slate sa likuran ng solo leader at Datu Cup titlist San Juan Knights na hawak ang malinis na 6-0 card sa Northern Division.

Show comments