San Juan, Parañaque wagi

 Laro Ngayon(Caloocan City Sports Complex)

4 p.m.  Soccsksargen  vs Muntinlupa

6:30 p.m. Bataan  vs Makati

8:30 p.m. Caloocan  vs Bacoor

MANILA, Philippines —  Dinurog ng Datu Cup champion San Juan Knights ang baguhang Bacolod-Master Sardines, 95-71 upang mapanatili ang malinis na kartada sa pagpapatuloy ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup noong Miyerkules ng gabi sa Olivarez College Gym sa Parañaque City.

Muling humataw ang dating Ginebra Kings na si John Wilson ng 22 puntos, walong rebounds, tatlong assists at dalawang steals para angkinin ang solo liderato sa kanilang 4-0 slate sa Northern Division.

 Sa iba pang laro, umani si Jemal Vizcarra ng 20 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists para i­angat ang Parañaque Patriots sa 82-71 panalo kontra sa Navotas Clutch at umakyat sa 2-3 card sa Southern group.

Show comments