^

PSN Palaro

San Juan, Makati sumalo sa unahan

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas(Ateneo Blue Eagles Gym, Quezon City)

4 p.m.  Navotas vs Bacolod

6:30 p.m. Iloilo  vs  Bataan

8:30 p.m. Valenzuela  vs QC

MANILA, Philippines — Umani si Larry Rodriguez ng double-double performance upang iangat ang Datu Cup champion San Juan Knights sa 74-72 panalo laban sa Pasay Voyagers sa 2019 Mahar­lika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup noong Biyernes ng gabi sa FilOil Flying V center sa San Juan City.

Humataw ang dating PBA standout na si Rodriguez ng 10 puntos at 10 rebounds na may kasama pang tatlong assists, dalawang blocks at isang  steal para masungkit ng Knights ang kanilang ikalawang sunod na panalo at makisos­yo sa liderato kasama ang Makati Super Crunch at Manila Stars sa parehong 2-0 win-loss kartada sa Northern Division.

Umabot sa pinakama­laking 21 puntos ang bentahe ng San Juan, 26-5 sa umpisa ng ikalawang yugto, ngunit bumawi ang Voyagers at naagaw pa ang abante, 72-71 sa floa­ting jumper ni JohnJamon may 2:07 pa ang natitira sa laro.

Sa sumunod na yugto, naagapan nina CJ Isit at Jhonard Cla­rito ang laban sa kanilang 3-0 wind-up para isalba ang Knights at ibigay sa Voyagers ang ka­nilang unang talo sa tatlong laro sa parehong Northern group.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Makati Super Crunch kontra sa Bacolod Master Sardines, 84-74 para itala rin ang ikalawang sunod na panalo habang naka-eskapo ang Iloilo United Royals laban sa Parañaque Patriots sa iskor na 67-64.

vuukle comment

2019 MAHAR­LIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL) LAKANDULA CUP

LARRY RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with