^

PSN Palaro

Cojuangco ‘di na interesado sa POC

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Suportado si Vargas

MANILA, Philippines — Walang plano si Equestrian Association of the Philippines (EAP) President Jose “Peping” Cojuangco na muling kunin ang pagiging pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).

Tapos na aniya ang kanyang panahon ng panunungkulan sa POC at panahon na para ibigay ito sa mga mas batang lider.

“My name was always mentioned, but I am not interested in the POC presidency. I have done my part in sports and we have contributed enough, including the Philippines first and only overall championship in the SEA Games when we last hosted the Games in 2005,” ani Cojuangco.

Suportado ni Cojuangco ang pamumuno ni Vargas partikular na ang paghahanda ng bansa para sa 2019 Southeast Asian Games na tatakbo mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

 “In fact, I am very supportive of Mr. Vargas. I met him several times since his election, shared with him my institutional knowledge and experiences and tried to guide him on issues. But still, I am supporting the SEA Games but everything has to be in order,” ani Cojuangco.

Wala rin aniyang plano si Cojuangco na patalsikin si Vargas sa puwesto.

“And no, I am not seeking to oust Mr. Vargas. I am supportive of him. Everything has to be with the full of agreement of the POC Board, though, as provided by our rules and by-laws,” dagdag ni Cojuangco.

Nakatakdang magpulong ang POC executive board bukas (Martes) upang plantsahin ang anumang gusot sa asosasyon.

Kabilang sa mga tatalakayin ang estado ng paghahanda ng Pilipinas sa SEA Games gayundin ang ilang mga pangunahing kailangan ng mga National Sports Association (NSAs) sa preparasyon ng mga atleta sa biennial meet.

Ito ang ikatlong pagkakataon na tatayong host ang Pilipinas sa SEA Games.

Pakay ng Pilipinas na masungkit ang overall championship crown na una at huli nitong nahawakan noong 2005 Manila SEA Games.

EQUESTRIAN ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

JOSE “PEPING” COJUANGCO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
4 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with