MANILA, Philippines — Nagbabalik sa squared circle ng Impact Wrestling ang inaugural World Wrestling Entertainment cruiserweight champion na si TJ Perkins.
Sa katatapos lang na television taping sa New York, napabalitang ikinatuwa ng fans ang pagbabalik ng "Fil-Am Flash" matapos makaharap si Austin Ace.
@Cultaholic TJP just debuted for Impact Wrestling in New York. pic.twitter.com/5YlH8MqOQn
— Gary Oransky (@Gary_O) June 7, 2019
Una nang naiulat na nasa backstage ng kumpanya si Perkins na tanda ng kanyang pagbabalik.
Huling nakita sa Impact Wrestling, na dating TNA, si Perkins sa katauhan ni "Manik" taong 2016.
Bago dumating ang All Elite Wresling, kilala ang Impact bilang pangunahing karibal na kumpanya ng WWE sa mundo.
Matatandaang napagtagumpayan ni Perkins noong ika-14 ng Setyembre ang WWE Cruiserweight Classic na nilahukan ng 32 wrestlers na saklaw ng 205-pound weight limit.
Dahil dito, siya ang unang naging WWE cruiserweight champion matapos uli buhayin ang division.
Si Perkins rin ang unang naging mukha ng 205 Live, na sariling brand na inilaan ng WWE para sa mas maliliit at maliliksing wrestlers.
Naputol ang kanyang pagtratrabaho sa numero unong wrestling company sa mundo nang ianunsyo nitong Pebrero ang kanyang paglisan.
WWE has come to terms on the release of Theodore Perkins (TJP).https://t.co/ah2u11ABBk
— WWE (@WWE) February 22, 2019