MANILA, Philippines — Nasungkit nina University of Santo Tomas volleyball superstar Sisi Rondina at Ateneo de Manila University swimming stalwart Jessie Khing Lacuna ang Athletes of the Year awards sa UAAP Season 81.
Maningning ang pagtatapos ng collegiate year ni Rondina na nagpamalas ng husay sa team sports category.
Binuhat ni Rondina ang Tigresses sa ikatlong sunod na beach volleyball crown kalakip ang ikaapat na season MVP award.
Sa indoor volleyball, bumandera ang Compostela, Cebu native sa ratsada ng UST na nasiguro ang runner-up finish sa women's volleyball tournament.
Ibinulsa rin ni Rondina ang season MVP honors.
Umarangkada rin si Rondina sa international arena nang makipagsanib-puwersa kay Dzi Gervacio san pagkuha ng fifth place finish sa FIVB Beach Volleyball World Tour Manila Open 1-star.
Samantala, ito naman ang ikalawang AOY ni Lacuna na nakuha ang parehong pagkilala noong 2016.