Tigresses buhay pa sa twice-to-beat
Laro Ngayon(FilOil Flying V Center)
8 a.m. ADMU vs ADU (M)
10 a.m. FEU vs NU (M)
2 p.m. UE vs ADMU (W)
4 p.m. DLSU vs FEU (W)
MANILA, Philippines — Humataw ng 21 puntos si Sisi Rondina upang iangat muli ang University of Santo Tomas Tigresses laban sa National University Lady Bulldogs, 27-25, 25-17, 20-25, 25-16 kahapon at manatiling buhay ang pag-asa sa twice-to-beat advantage sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP volleyball tournament sa The Arena ng San Juan City.
Bukod sa malaking puntos lahat mula sa atake, umani pa ang top scorer ng liga at MVP candidate na si Rondina ng 10 digs at 13 excellent receptions para makopo ng Tigresses ang kanilang ika-apat na sunod na panalo.
Nakuha lamang ng NU ang momentum matapos bumawi sina Princess Robles, Ivy Lacsina, Gelina Luceno at Audrey Paran para itakas ang ikatlong set, 25-20 sa loob ng 29 minuto at putulin ang 11 straight-set win ng Tigresses simula noong Abril 6.
Ang Lady Bulldogs ay tumapos sa 4-10 record.
Tinapos ng UST ang kanilang elimination round assignment sa 10-4 win-loss kartada at ito na ang pinaka-mataas nilang naabot simula noong Season 73.
Sa kabila ng panalo ng UST, hindi pa tiyak ang kanilang tsansa sa semifinal bonus dahil hihintayin pa ang resulta sa laro ng DLSU Lady Spikers at FEU Lady Tams ngayon.
Kung magwawagi ang FEU magkakaroon ng two-way tie sa ikalawang puwesto sa pagitan ng UST at DLSU sa parehong 10-4 card kung saan maghaharap sila sa playoff para pag-agawan ang ikalawang twice-to-beat bentahe.
Pero kung mangingibabaw muli ang Lady Spikers sa Lady Tamaraws, makukuha nito ang ikalawang twice-to-beat bonus.
Sa ibang laro, sinorpresa ng Adamson Lady Falcons ang University of the Philippines Lady Maroons, 25-20, 25-23, 25-19.
- Latest