^

PSN Palaro

Tigresses palalakasin ang tsansa sa bonus

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Tigresses palalakasin ang tsansa sa bonus
Sasagupain ng Tigres­ses ang Lady Bulldogs sa alas-2 ng hapon at susundan ng laro ng University of the Philippines Lady Maroons at Adamson Lady Falcons sa alas-4 ng hapon.

MANILA, Philippines — Asam ng University of Santo Tomas Tigresses na manatiling buhay ang pag-asa sa twice-to-beat advantage sa pagharap sa National University Lady Bulldogs ngayon sa pe­nul­timate day ng Season 81 UAAP volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Sasagupain ng Tigres­ses ang Lady Bulldogs sa alas-2 ng hapon at susundan ng laro ng University of the Philippines Lady Maroons at Adamson Lady Falcons sa alas-4 ng hapon.

Ngunit, kahit magwagi ang Tigresses sa Lady Bulldogs, wala pa rin sa kanilang kamay ang natitirang pag-asa dahil kailangan pa ring matalo ang three-peat champion DLSU sa FEU Lady Tamaraws bukas para makatabla sa Lady Spikers sa parehong 10-4 slate sa pagtatapos ng elims.

Sakali mang magtabla ang UST at DLSU sa parehong kartada, maghaharap sila sa isang playoff upang pag-agawan ang huling semis bonus.

Paborito ang Tigresses laban sa Lady Bulldogs dahil sa kanilang, 26-24, 25-17, 23-25, 25-17 panalo sa unang pagtatagpo noong Marso 9.

Sa iba pang senaryo, kung matatalo ang UST sa NU at magwawagi bukas ang FEU sa DLSU, magtatabla sa parehong 9-5 record ang Tigresses at Lady Tamaraws kaya maghaharap sila sa playoff para pag-agawan ang third spot habang ang Lady Spi­kers ay mananatli sa second spot at hawak na ang semis bonus.

vuukle comment

SANTO TOMAS TIGRESSES

SEASON 81 UAAP VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with