Dakak inilunsad ang golf course

MANILA, Philippines — Isang magarbong golf course na Dakak Golf Club ang itinayo sa loob ng Dakak Resort sa Dapitan, Zamboanga del Norte na naglalayong makapagtaguyod ng malalaking torneo sa mga susunod na taon.

Pormal nang isiniwalat nina Dakak Golf Chairman Cesar Jalosjos at Dakak Golf President Rick Gibson ang pamosong golf course na may 50-hectare at 6,500-yard par 72.

“We are very pleased with the results of the development. It will be an unforgettable experience to play there,” ani Jalosjos sa launching kahapon sa Manila Hotel.

Bukas na ang front nine  ng Greg Norman-designed course ngunit nakatakda ang pormal na pagbubukas ng Dakak Golf Course sa Nobyembre.

Kasama sa plano ni Jalosjos ang pagtataguyod ng Chairman’s Cup sa Nobyembre 24 na siya ring target date ng opisyal na launching ng golf course.

Pito sa siyam na holes ay nakaharap sa Sulu Sea na isa sa mga ipinagmamalaking atraksiyon ng Dakak.

Show comments