Taekwondo classes sisimulan ngayon

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Philippine Taekwondo Association ang pagdiskubre sa mga po­tensyal na miyembro ng national team sa pagsipa ngayon ng 2019 SMART/MVPSF Taekwondo Summer Class.

Sinabi ni Makati Congressman at PTA secretary general Monsour del Rosario, dating national and international champion, na ang kaalaman sa taekwondo ay mas mabisa kesa sa pag­da­dala ng deadly weapon.

Ayon pa kay Del Rosa­rio, ang pagdaraos ng annual class ng PTA ay ma­­­kakatulong sa pagpapa­la­­kas ng katawan ng mga ba­ta.

Naglabas ang PTA, ka­anib ng World Taekwondo Fe­deration, Philippine Sports Commission at Phi­l­ippine Olympic Committee, ng listahan ng mga regional headquarters at contact per­sons para sa mga inte­re­sado.

Maaari ding tawagan ang PTA sa 522-0518/522-0519/524-0457 o mag-email sa philippinetaekwondo@gmail.com/philtkd@gmail.com.

Show comments