Blaze Spikers hinataw ang 13-0 record

Binutas ng spike ni Sta. Lucia import Casey Schoenlein ang depensa nina Joy Palma at Katherine Bell ng Petron.
Kuha ni Jun Mendoza

Power Hitters inangkin ang bonus

Laro Bukas(Filoil Flying V Centre, San Juan City)

4 p.m. – F2 Logistics vs Foton

6 p.m. – Petron vs United VC

MANILA, Philippines — Ipinoste ng Petron ang ka­nilang ika-13 sunod na pa­nalo matapos talunin ang Sta. Lucia, 25-21, 25-12, 25-20, sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Dinuplika ng Blaze Spi­kers ang naturang kartada na kanilang naitayo noong 2015 at 2017.

“We’re happy that we were able to match what we accomplished last conference,” wika ni Petron head coach Shaq Delos Santos, nagsilbing assistant coach nang walisin ng koponan ang All-Filipino noong 2015.

Humataw si import Ste­phanie Niemer ng 17 kills, 3 blocks at 3 aces para sa kanyang 23 points, samantalang nagtala si Katherine Bell ng 12 kills para sa kan­yang 13-point effort.

Nagdagdag naman si Mika Reyes ng 7 points pa­ra sa Petron, kaila­ngang ma­nalo sa United VC bukas para makumpleto ang 14-game sweep sa eliminasyon.

“I’m very proud not because we stayed undefea­ted in 13 games, but because all the hardships in games and trainings are worth it,” ani Delos Santos. “But we have to continue what we’re performing until we reach our goal. Sure, we won 13 straight games but I think there’s still a lot of room for improvement.”

Pinamunuan nina imports Casey Schoenlein at Molly Lohman ang Lady Realtors mula sa kanilang 12 at 8 points, ayon sa pag­kakasunod.

Nahulog ang Sta. Lucia sa 2-10 marka.

Sa unang laro, binande­rahan ni reinforcement Ken­­dra Dahlke ang PLDT Home Fibr sa 25-23, 25-16, 25-22 pagpapatumba sa United VC.

Nakipagsukatan sa dati niyang Arizona teammate na si Fil-Am Kalei Mau, iginiya ni Dahlke ang Power Hitters sa pag-angkin sa ikatlong ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.

Nagpasabog si Dahlke ng 21 kills, 2 blocks at 1 ace para sa kanyang 24 points, sa­mantalang nag-ambag sina Grace Lazard at Aiko Urdas ng 15 at 9 markers, ayon sa pag­kakasunod, pa­ra sa PLDT.

Nagtala naman si setter Jasmine Nabor ng 24 excellent sets bukod sa 18 digs at 3 attacks.

Show comments