^

PSN Palaro

Mancebo-Perez sa Stage 1 ng LBC Ronda

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Mancebo-Perez sa Stage 1 ng LBC Ronda
Tumapos ang 2005 Tour de France fourth pla­cer na si Perez ng Matrix Powertag Japan team sa limang oras at 7.02 minuto habang pumapangalawa naman ang nagdedepensang si Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance at ikatlo si Dominic Perez ng 7-Eleven Cliqq-Air 21 sa halos tatlong minuto at 52 segundo sa likuran ni Mancebo.

MANILA, Philippines — Dimonina ng 42-anyos na si  Francisco Mancebo-Perez ng Spain ang 197.6-km Stage One ng 2019 LBC Ronda Pilipinas kahapon mula sa Iloilo City Hall hanggang sa Megaworld Festive Walk Mall ng siyudad.

Tumapos ang 2005 Tour de France fourth pla­cer na si Perez ng Matrix Powertag Japan team sa limang oras at 7.02 minuto habang pumapangalawa naman ang nagdedepensang si Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance at ikatlo si Dominic Perez ng 7-Eleven Cliqq-Air 21 sa halos tatlong minuto at 52 segundo sa likuran ni Mancebo.

“For the moment, I’m happy with the victory. For us, its good and we’ll see what happens in the race,” sabi ni Mancebo-Perez.

Hindi naman malayo ang 2016 at 2017 champion na si Jan Paul Morales sa ika-apat na puwesto (4:32 behind) habang si Junya Sano, ang teammate ni Mancebo-Perez sa Matrix ay pang-lima ((4:40 behind) at pang-anim si Joo Daeyeong ng  Team Korea (4:51 behind).

Dahil kay Mancebo-Perez, ang Matrix ay nangunguna na ngayon sa team competition sa kabuuang oras na 15:32:36 mahigit  3:07 ang agwat mula sa pumapangalawang 7-Eleven team at 3:57 sa unahan ng ikatlong Navy-Standard Insurance. 

2019 LBC RONDA PILIPINAS

FRANCISCO MANCEBO-PEREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with