Manuel lalaro sa Mighty Sports

Ngunit isang part-time lamang ang pagsusuot ni Manuel, ang No. 12 overall pick ng Barangay Ginebra noong 2017 PBA Draft at pinapirma sa isang one-year contract, sa uniporme ng Mighty Sports.
PBA Images

MANILA, Philippines — Isang araw matapos ihayag ang kanyang napa­kaagang pagreretiro sa PBA ay tinanggap ni guard Jett Manuel ang alok na maglaro para sa Mighty Sports sa 2019 Dubai International Basketball Championship sa Pebrero.

Ngunit isang part-time lamang ang pagsusuot ni Manuel, ang No. 12 overall pick ng Barangay Ginebra noong 2017 PBA Draft at pinapirma sa isang one-year contract, sa uniporme ng Mighty Sports.

Nagdesisyon ang 26-anyos na dating pambato ng UP Fighting Maroons sa UAAP noong Biyernes na tuluyan nang magretiro sa PBA para sa kanyang pamilya at gamitin ang pagiging isang lisensyadong Civil Engineer.

 

Show comments